Pilipinas brucellosis free pa

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na wala pang naitalang kaso ng brucellosis sa Pilipinas, kasunod ng ulat na may bacterial disease’s outbreak sa northwest China.

The post Pilipinas brucellosis free pa first appeared on Abante.

pilipinas brucellosis free pa - Pilipinas brucellosis free pa
abante pinas - Pilipinas brucellosis free pa

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na wala pang naitalang kaso ng brucellosis sa Pilipinas, kasunod ng ulat na may bacterial disease’s outbreak sa northwest China.

“There are documented reports of cases of Brucellosis in China. The Philippines has not reported any case of Brucellosis to this date,”ayon sa statement ng DOH.

Nabatid na nakukuha umano ang brucellosis disease sa pagkakaroob ng close contact sa mga infected na hayop, o animal products na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng lagnat pananakit ng katawan at pagkahilo.

Sinabi ng DOH na ang bacterial disease ay kabilang sa mga naiulat na sakit sa ibang mga bansa pero hindi sa Pilipinas.

“Madalang po ang human-to-human transmission. Ang pinakamainam na prevention po ay ang pag-eliminate ng infection sa mga hayop. Kasama po rito ang pagbakuna sa cattle, mga tupa, at kambing para sa mga lugar na may high prevalence,” ayon sa DOH.

Ang bakterya ay nanggagaling rin sa mga nainom na ” unpasteurized milk” o keso mula sa may impeksiyon na tupa o kambing.

Nalaman na may 6,000 katao sa Lanzhou , China ,ang nagpositibo sa bacterial disease.(Juliet de Loza-Cudia)

The post Pilipinas brucellosis free pa first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *