Pikunan sa kalsada: Magpinsan binugbog, sinaksak

SUGATAN ang magpinsan ng pagsusuntukin at saksakin pa sa likod ang isa sa kanila ng tatlong suspek na nagalit nang maharang ang sinasakyan nilang tricycle sa Tagaytay City, Cavite.

pikunan sa kalsada magpinsan binugbog sinaksak - Pikunan sa kalsada: Magpinsan binugbog, sinaksak
ABANTE sinaksak - Pikunan sa kalsada: Magpinsan binugbog, sinaksak

SUGATAN ang magpinsan ng pagsusuntukin at saksakin pa sa likod ang isa sa kanila ng tatlong suspek na nagalit nang maharang ang sinasakyan nilang tricycle sa Tagaytay City, Cavite.

Kinilala ang mga biktima na sina Raymond Cabrera, 35, at Jo­shua Cabrera, 24.

Arestado naman ng pulisya ang isa sa suspek na si Angelo Camano, 27, construction worker ng Annex Imperial, Barangay Tartaria, Silang, Cavite habang pinaghahanap pa ang kasama nito na sina Jeffrey Napay at Junjun Jimenez.

Nangyari ang insidente alas-2:40 nang madaling-araw kung saan sakay ang mga biktima ng motorsiklo habang binabagtas ang kahabaan ng Brgy. San Francisco, Tagaytay City.

Pagsapit sa paliko, bigla umanong sumulpot ang sinasak­yang tricycle ng tatlo kaya biglang preno ito na kanilang ikinagalit.

Bumaba ang tatlo at walang sabi-sabing pinagtulungang bugbugin ang dalawa habang sinaksak pa sa likod si Joshua. (Gene Adsuara)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *