Pikunan sa inuman: Kelot bugbog-sarado sa apat

KRITIKAL ang isang 29-anyos na lalaki nang pagtulungang bugbugin ng apat nitong kainuman matapos na magkapikunan sa Imus City, Cavite.

The post Pikunan sa inuman: Kelot bugbog-sarado sa apat appeared first on Abante News Online.

pikunan sa inuman kelot bugbog sarado sa apat - Pikunan sa inuman: Kelot bugbog-sarado sa apat
punch 1 - Pikunan sa inuman: Kelot bugbog-sarado sa apat

KRITIKAL ang isang 29-anyos na lalaki nang pagtulungang bugbugin ng apat nitong kainuman matapos na magkapikunan sa Imus City, Cavite.

Isinugod sa ospital ng Imus subalit inilipat ito sa Philippine General Hospital ang biktimang si Jefferson Vicente, walang trabaho ng Diamond Village, Anabu 2, Imus City, Cavite.

Arestado naman ang mga suspek na sina Leonardo Lago, 48, may-asawa, driver ng B-42 L-B Diamond Village, Anabu 2-F, Imus City; Sanny Boy Delorino, 25, isang construction worker ng Diamond Village, Anabu 2-F, Imus City; Jhongie Giray, 18, isang construction worker ng Diamond Village, Anabu 2-F, Imus City habang pinaghahanap naman ng pulisya si Lester Convocar, may-asawa, isang construction ng Diamond Village, Anabu 2-F, Imus City na nakatakas matapos ang insidente.

Sa ulat ni Pat. Jessie Villanueva ng Imus City Police Station, nag-iinuman ang biktima at mga suspek dakong alas-onse kamakalawa ng gabi sa Diamond Village Brgy. Anabu 2-F, Imus City Cavite.

Sa kalagitnaan ng kanilang inuman ay nagkaroon ng mainit ng pagtatalo hanggang sa nagsuntukan ang mga ito at pinagtulungan paluin ang biktma gamit ang isang matigas na bagay.

Tinantanan lamang ng mga supek ang walang kalaban-laban na biktima nang napansin na hindi ito gumagalaw.

Tinangka pang tumakas ang mga suspek subalit dahil nakainum ay naaresto at tatlo sa kanila subalit nakatakas naman ang isa. (Gene Adsuara)

The post Pikunan sa inuman: Kelot bugbog-sarado sa apat appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *