PI sa kaso ng pinatay na Subic trader kasado sa DOJ

ITINAKDA sa Abril 1 ng Department of Justice (DOJ) ang preliminary investigation (PI) sa kasong isinampa ng Philippine National Police (PNP) laban sa suspek sa pagpatay sa isang negosyante na nakabase sa Subic na si Dominic Sytin.

The post PI sa kaso ng pinatay na Subic trader kasado sa DOJ appeared first on Abante News Online.

pi sa kaso ng pinatay na subic trader kasado sa doj - PI sa kaso ng pinatay na Subic trader kasado sa DOJ
tonite DOJ - PI sa kaso ng pinatay na Subic trader kasado sa DOJ

ITINAKDA sa Abril 1 ng Department of Justice (DOJ) ang preliminary investigation (PI) sa kasong isinampa ng Philippine National Police (PNP) laban sa suspek sa pagpatay sa isang negosyante na nakabase sa Subic na si Dominic Sytin.

Sinampahan ng kasong murder at frustrated murder ang kapatid ni Dominic Sytin na si Dennis Sytin na tinutukoy na umano’y ‘utak’ ng krimen.

Ang kaso laban kay Dennis at Edgardo Luib, naarestong gunman ay isinampa sa DOJ noong Biyernes.

Si Dominic Sytin na founder at CEO ng United Auctioners Inc. ay binaril sa tapat ng Light House Hotel sa Subic noong Nov. 28 na agad nitong ikinamatay.

Ang biyuda ni Dominic na si Ann Marietta Sytin at Olongapo City police ang tumatayong complainant sa kaso.

Sinabi ni Luib na si Dennis Sytin ang nag-utos sa kanya para patayin ang kanyang kapatid kapa­lit ng pera.
Lumutang sa imbestigasyon na away sa shares sa operasyon ng kompanya ang pinagmulan ng away ng magkapatid na Sytin.

The post PI sa kaso ng pinatay na Subic trader kasado sa DOJ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *