Phobia sa motor accident nilalabanan ni Digong

KINAILANGAN ni Pangulong Rodrigo Duterte na magmotorsiklo uli upang malabanan ang phobia sa pagsemplang nito.

phobia sa motor accident nilalabanan ni digong - Phobia sa motor accident nilalabanan ni Digong
ABANTE duterte 7 - Phobia sa motor accident nilalabanan ni Digong

KINAILANGAN ni Pangulong Rodrigo Duterte na magmotorsiklo uli upang malabanan ang phobia sa pagsemplang nito.

Ito ang paliwanag ni Senador Bong Go kung bakit nagmotor muli si Pangulong Duterte.

“Pag ikaw ay rider at sumemplang ka bumangon at sumakay ka uli kasi kung hindi magkakaroon ka ng phobia,” paliwanag ni Go.

Ilang beses nang naaksidente sa pagmomotorsiklo si Duterte, pinakahuli ay noong Oktubre 16.

Dahil sa sakit ng likod, nagdesisyon si Duterte na putulin ang tatlong araw sanang pagbisita sa Japan upang umuwi ng bansa.

Pero nitong nagdaang araw, muli ito gumamit ng motorsiklo sa Malacañang Complex.

“Sinubukan niya lang po, tatlong gulong na po ‘yun para siguradong hindi sesemplang, mga 10 minutes po siyang nagmotor sa PSG,” ani Go. (Lorraine Gamo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *