Phisgoc-Cayetano pigain sa P387M utang

Pinasisiyasat ni Senador Leila de Lima ang pagka-antala ng pagsumite ng Philippine Southeast Asian Games Organizational Committee (Phisgoc) ng financial report gayundin ang napaulat na P387 milyong utang sa mga supplier para sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games.

The post Phisgoc-Cayetano pigain sa P387M utang first appeared on Abante.

phisgoc cayetano pigain sa p387m utang - Phisgoc-Cayetano pigain sa P387M utang
abante alan 2 - Phisgoc-Cayetano pigain sa P387M utang

Pinasisiyasat ni Senador Leila de Lima ang pagka-antala ng pagsumite ng Philippine Southeast Asian Games Organizational Committee (Phisgoc) ng financial report gayundin ang napaulat na P387 milyong utang sa mga supplier para sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games.

Sa Senate Resolution No. 557, sinabi ni De Lima na kailangang malaman ang dahilan ng pagkaantala ng financial statement ng Phisgoc at tugunan nito ang alegasyon ng katiwalian at hindi maayos na pamamahala sa 30th SEA Games.

Ang PHISGOC ay isang private foundation na pinamumunuan ni dating House Speaker at Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano.

Sabi ni De Lima, malilinawan lang ang mga katanungan sa Phisgoc kung makapagsusumite na ito ng kumpletong financial report.

Noong Setyembre 30, siyam na buwan mula nang idaos ang 30th SEA Games, inatasan ng Philippine Olympic Committee (POC) ang Phisgoc na magsumite ng kumpletong ulat sa operasyon ng naturang event gayundin ang kanilang audited financial statement sa petsang Oktubre 10.

Subalit nabigo ang Phisgoc na sumunod sa October 10 deadline ng POC kaya’t nilabag nito ang tripartite agreement na nilagdaan ng POC at ng Philippine Sports Commission (PSC) noong 2019.

Naunang inamin ni PSC Executive Director Guillermo Iroy Jr. sa pagdinig sa Senado na umapela pa sa kanila ang Phisgoc ng dagdag na P387 milyon para bayaran ang utang sa ilang supplier ng 2019 SEA Games. (Dindo Matining)

The post Phisgoc-Cayetano pigain sa P387M utang first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *