PhilHealth utang sa Red Cross babayaran

Nagbigay ng katiyakan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Red Cross (PRC) na babayaran ng gobyerno ang halos isang bilyong pagkakautang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

The post PhilHealth utang sa Red Cross babayaran first appeared on Abante.

philhealth utang sa red cross babayaran - PhilHealth utang sa Red Cross babayaran
PhilHealth 4 - PhilHealth utang sa Red Cross babayaran

Nagbigay ng katiyakan si Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Red Cross (PRC) na babayaran ng gobyerno ang halos isang bilyong pagkakautang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ang pangako ay ginawa ng Pangulo sa kanyang regular na mensahe sa bayan nitong Lunes ng gabi matapos magbanta si Senador at PRC President Richard Gordon na ititigil ang swab testing sa umuuwing Overseas Filipino Workers (OFWs) .

Sinabi ng Pangulo na naghahanap na ng paraan para mailatag ang solusyon sa Department of Budget and Management (DBM) pati na sa Commission on Audit (COA) .

“Itong Red Cross, wag kang mag-alala. Mababayaran to. They’re just looking for a way to present the solution to the Commission on Audit pati sa Budget,” anang Pangulo.

Gayunman, sinabi ni Duterte na hindi agad-agad na mababayaran lahat ang buong utang sa Philippine Red Cross dahil maghahanap pa ang gobyerno ng perang pambayad sa napakalaking utang ng PhilHealth.

“It will take time, but we will pay. We will look for the money. Hindi naman marami, but the priority natin dito is really medical,” dagdag ng Pangulo.

Sinabi ng Presidente na kagagaling lamang ng gobyerno sa malaking gastos at sinisikap na mapagkasya ang pera na parang lastiko para matugunan ang iba pang pangangailangan ng bansa.

Matatandaang noong nakalipas na linggo ay naglabas ng pahayag si Gordon na ititigil muna nila ang ginagawang swab test sa mga umuuwing OFWs dahil lumolobo ang utang ng PhilHealth na siyang dapat magbayad sa mga OFW na isinailalim sa COVID tests.(Aileen Taliping)

The post PhilHealth utang sa Red Cross babayaran first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *