PhilHealth scam masahol pa sa plunder — Anakalusugan

Marapat lamang na sampahan ng kasong kriminal ang lahat ng indibiduwal, pati na ang mga opisyal at empleyado ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na sangkot sa pagbabayad ng PhilHealth benefits sa mga ghost dialysis treatment, ayon kay Anakalusugan Party-list Representative-elect Mike Defensor.

The post PhilHealth scam masahol pa sa plunder — Anakalusugan appeared first on Abante News Online.

philhealth scam masahol pa sa plunder anakalusugan - PhilHealth scam masahol pa sa plunder — Anakalusugan
Philhealth - PhilHealth scam masahol pa sa plunder — Anakalusugan

Marapat lamang na sampahan ng kasong kriminal ang lahat ng indibiduwal, pati na ang mga opisyal at empleyado ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na sangkot sa pagbabayad ng PhilHealth benefits sa mga ghost dialysis treatment, ayon kay Anakalusugan Party-list Representative-elect Mike Defensor.

“Stealing from PhilHealth is worse than plunder! Every centavo stolen means depriving another person’s life,” diin ni Defensor.

“This is also gross negligence on the part of PhilHealth personnel who allowed this to happen. All persons involved in this scam must be held accoun­table and meted out the highest penalties provided by law.

Those who usurp funds meant for the sick and the needy should be arrested and charged to prevent future occurrences of this nature,” dagdag pa niya.

Nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa PhilHealth na sampahan ng kaso ang mga sangkot sa pagbabayad ng benepisyo sa pasyente na matagal nang patay sa pribadong dialysis center sa Novaliches, Quezon City.

Pero ayon sa state insurance fund, nakapaghain na sila ng 28 administrative complaint laban sa WellMed Dialysis Center and Laboratory Corp.

Sinabi naman ni Defensor na hindi sapat ang admi­nistrative complaint dahil kasong kriminal ang dapat isampa sa mga sangkot.

The post PhilHealth scam masahol pa sa plunder — Anakalusugan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *