PhilHealth mafia tumbok ng Task Force

PINATOTOHANAN ng Task Force na nag-iimbestiga sa anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation(PhilHealth) ang naunang pumutok na may mafia sa health insurer.

The post PhilHealth mafia tumbok ng Task Force first appeared on Abante.

philhealth mafia tumbok ng task force - PhilHealth mafia tumbok ng Task Force
PhilHealth 1 1 - PhilHealth mafia tumbok ng Task Force

PINATOTOHANAN ng Task Force na nag-iimbestiga sa anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation(PhilHealth) ang naunang pumutok na may mafia sa health insurer.

“Irregularities and anomalies in PhilHealth look synchronized,”ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

Sinabi pa ni Guevarra na tumatayong lider ng Task Force na patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon sa iba pang anomalya sa PhilHealth.

Nakatutok umano ang imbestigasyon ng Task Force sa tatlong lugar kung saan pinaghihinalaang ginagawa ang matinding katiwalian. Ito ay sa IT procurement, legal sector, at IRM.

Sinabi din ni Guevarra na iba ang ipinrisintang ebidensiya sa Senado ng mga resource person.

Iginiit din ng DOJ secretary na sasampahan ng kaso ang sinuman kapag may nakita ang task force na maling ginawa o may kaugnayan sa anomalya.

Nalaman na hindi umano naging maingat ang Board of Directors kaya sila nadamay.

Binibigyan umano sila ng mga hindi kumpletong impormasyon.

“Negligence on the part of subordinates officials, kaya nadamay ang board,”ayon kay Guevarra.

Samantala,sinabi ni Guevarra na sa ngayon ay walang nakitang sapat na ebidensiya para irekomenda ang pagsasampa ng kaso kay Health Secretary Francisco Duque III.

” He is not a standalone figure in PhilHealth, he belongs to the board. Under the law, he is not required to vote as chairman of the board,”dagdag pa ni Guevarra.

Samantala, gustong lusawin o isapribado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PhilHealth sa gitna ng alegasyon ng korapsyon sa ahensiya, ayon ka Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

“He said he wanted PhilHealth abolished or privatized but I said it might be better to wait a few months and see how the new administration performs and that I have a bill making the Secretary of Finance the chair of the Board instead of the DoH (Department of Health) Secretary. He agreed to my proposal,” sabi ni Sotto.

“I explained that PhilHealth is an insurance corporation and not a health entity,” dagdag nito.

Sinabi pa umano ni Pangulong Duterte na ‘willing’ siyang ipatawag ng Kongreso kung kinakailangan.

“He wants to further amend the anti-red tape and ease of doing business law. In fact he is willing to be summoned if needed. I told him the better word is invite. But only if necessary,” sabi pa ng pinuno ng Senado.

Tinalakay din umano sa pagpupulong ang tungkol sa Universal Health Care at PhilHealth law.(Juliet de Loza-Cudia/Dindo Matining)

The post PhilHealth mafia tumbok ng Task Force first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *