PhilHealth linisin sa korapsyon, bago dagdag kontribusyon- Lacson

Dapat unahin munang linisin ng Phililippine Health Insurance Corp. (PhilHealth)ang aspetong pananalapi laban sa katiwalian at kawalan ng kakayahan kasabay ng pagpapaliban sa pagtaas ng singil sa kontribusyon ng mga miyembro nito, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

The post PhilHealth linisin sa korapsyon, bago dagdag kontribusyon- Lacson first appeared on Abante.

philhealth linisin sa korapsyon bago dagdag kontribusyon lacson - PhilHealth linisin sa korapsyon, bago dagdag kontribusyon- Lacson
abante ping lacson 13 - PhilHealth linisin sa korapsyon, bago dagdag kontribusyon- Lacson

Dapat unahin munang linisin ng Phililippine Health Insurance Corp. (PhilHealth)ang aspetong pananalapi laban sa katiwalian at kawalan ng kakayahan kasabay ng pagpapaliban sa pagtaas ng singil sa kontribusyon ng mga miyembro nito, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Sabi nito, hindi tamang lagakan ng karagdagang pondo ang ahensiya buhat sa kontribusyon ng mga miyembro hanggang hindi natitiyak na hindi mapupunta sa mga bulsa ng kung sino ang mga ito.

Ani Lacson, maling-mali ang pagpataw ng karagdagang singil sa mga miyembro kung babalikan ang mga nakaraang karima-rimarim na naganap sa kaban ng ahensiya buhat sa mga kamay ng mga dating nangasiwa.

“It is right to defer the premium hike, at least so that it can review its procedures to get rid of corruption and incompetence. Why punish members with higher premiums for the benefit of the corrupt and the incompetent?” pahayag ni Lacson sa panayam ng TeleRadyo.

Nauna nang ibinunyag ni Lacson ang kaliwa’t kanang kurapsiyon at katiwalian sa ahensiya sa pagdinig Senado nitong nakalipas na taon.

Kabilang sa mga nasiwalat ay ang operasyon ng “mafia” na sinasabing nasa likod ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM), sobra-sobrang patong sa IT equipment at pagkalikot sa mga financial statements. (Dindo Matining)

The post PhilHealth linisin sa korapsyon, bago dagdag kontribusyon- Lacson first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *