PhilHealth dagdag pahirap sa pandemya

Pinagpapaliban muna ni AnaKalusugan Rep. Mike Defensor sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang pagpapatupad ng dagdag sa buwanang kontribusyon ng mga miembro nito sa gitna pa rin ng kinakaharap na health crisis.

The post PhilHealth dagdag pahirap sa pandemya first appeared on Abante.

philhealth dagdag pahirap sa pandemya - PhilHealth dagdag pahirap sa pandemya
Philhealth - PhilHealth dagdag pahirap sa pandemya

Pinagpapaliban muna ni AnaKalusugan Rep. Mike Defensor sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang pagpapatupad ng dagdag sa buwanang kontribusyon ng mga miembro nito sa gitna pa rin ng kinakaharap na health crisis.

“Millions of contributors are daily wage-earners and other workers reeling from the Covid-19 pandemic, like most of our people. PhilHealth should not add to their financial burden at this time,” ayon Kay Defensor.

Aminado si Defensor na sa ilalim ng Republic Act No. 11223, o Universal Health Care Law, ay nakasaad ang pagtaaas ang buwanang insurance premium ng mga manggagawa ng mula 3 hanggang 3.5 percent ngayong taon.

Ngunit paliwanag ni Defensor, “My appeal to PhilHealth is to defer or delay the increase by at least six months to give time to Congress to pass an amendatory bill and other measures reforming the agency to make it more efficient and effective, and to lessen corruption, which results in billions in financial losses every year.”

Kapag nabigo naman umano ang Kongreso na makapag-apruba ng amendatory bill ay maari nang ipapatupad ng PhilHealth ang adjustment kalaunan bilang pagsunod sa naturang batas.

Bukod dito, dagdag ng kongresistahindi naman kukulangin ng pondo ang PhilHealth kung bahagyang maantala ang taas kontribusyon dahil makakatanggap ito ng budgetary subsidy na P71 billyon ngayon taong mula sa taxpayers. (Eralyn Prado)

The post PhilHealth dagdag pahirap sa pandemya first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *