Phil Space Agency, kailangan na talaga

Ikinatuwa ni Albay Rep. Joey Salceda ang pag-usad ng panukalang pag­likha ng Philippines Space Agency (PhilSA).

The post Phil Space Agency, kailangan na talaga appeared first on Abante News Online.

phil space agency kailangan na talaga - Phil Space Agency, kailangan na talaga
Phil Space Agency - Phil Space Agency, kailangan na talaga

Ikinatuwa ni Albay Rep. Joey Salceda ang pag-usad ng panukalang pag­likha ng Philippines Space Agency (PhilSA).

Ito’y matapos pagtibayin ng Senado ngayong linggo ang “Philippine Spaces Act,” na bersyon nito ng “Philip­pine Space Development Act” (HB 8541) na pinagtibay ng mababang kapulungan ng Kamara noong nakaraang Disyembre.

Diin ni Salceda, ang pangunahing may-akda ng HB 8541 sa pakikipag-ugnayan ng Department of Science and Technology (DOST), sadyang kailangan na ang panukalag ahensiya dahil “mahalaga ito sa pangangalaga sa soberanya at integridad ng teritoryo ng bansa, bukod sa lalong palalaguin nito ang loobing makabayan ng mga Pilipino.”

Sa ilalim ng panukala, mas magiging malinaw umano ang ‘Philippine Space Development and Utilization Policy’ at lilikhain din nito ang PhilSA, katumbas ng National Aeronautics Space Agency (NASA) ng Estados Unidos.

Iaatang sa PhilSA ang lahat ng gawain ng pamahalaan kaugnay sa ‘space science, engineering’ at kaakibat nitong mga larangan.

Pangangasiwaan ito DOST at kabilang sa mga trabaho nito ay prog­rama ng ‘space science and techno­logy access and applications, space research including remote sensing’ at pagkala­p ng maselang mga datos kaugnay sa mga kalamidad dulot ng kalikasan, at tugunan ang lumala­gong mga panga­ngailangan ng bansa sa ligtas at malayang karapatan sa kalawakan.

The post Phil Space Agency, kailangan na talaga appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *