PH sadsad sa virus kesa sa panahon ni Marcos

Bumulusok ang ekonomiya ng Pilipinas ng 16.5% nung second quarter ng taon dahil nasakal ito ng lockdown na pinatupad sa malaking bahagi ng bansa.

ph sadsad sa virus kesa sa panahon ni marcos - PH sadsad sa virus kesa sa panahon ni Marcos
bagsak - PH sadsad sa virus kesa sa panahon ni Marcos

Bumulusok ang ekonomiya ng Pilipinas ng 16.5% nung second quarter ng taon dahil nasakal ito ng lockdown na pinatupad sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon kay National Statistician and NEDA Undersecretary Dennis Mapa, ito ang pinakamasahol na performance ng ekonomiya sa kasaysayan simula nang ilatag ang quarterly data nung 1981.

Base sa datos ng Philippine Statistics Authority, ang pagbagsak ng ekonomiya ay higit pa sa pagbagsak na itinala nung panahon ng diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sabi ni National Economic and Development Authority OIC Karl Kendrick Chua, ito na ang pinakamalaking krisis sa loob ng walong dekada.

Aminado si Finance Secretary Carlos Dominguez na ang paggastos lamang ng pamahalaan ang gumulong nung first half ng taon at mas malaki pa marahil ang inurong ng ekonomiya kung hindi lang sa paggastos ng pamahalaan.

Sa datos ng PSA, umurong ang paggastos ng mga tao ng 15.5% at umurong ang investments ng 53.5%. Bagsak din ang exports ng 37% at umatras din ang imports ng 40%. (Eileen Mencias)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *