PH pinakabarat magpasahod sa mga nurse

Lumabas sa isang bagong pagsasalisik na ang Pilipinas ay may pinakamababang pasahod sa mga nars at medical technologists, ilan sa mga pinakamahalagang manggagawa sa frontline sa pandaigdigang pakikipaglaban sa coronavirus pandemic.

The post PH pinakabarat magpasahod sa mga nurse first appeared on Abante.

ph pinakabarat magpasahod sa mga nurse - PH pinakabarat magpasahod sa mga nurse
abante nurse - PH pinakabarat magpasahod sa mga nurse

Lumabas sa isang bagong pagsasalisik na ang Pilipinas ay may pinakamababang pasahod sa mga nars at medical technologists, ilan sa mga pinakamahalagang manggagawa sa frontline sa pandaigdigang pakikipaglaban sa coronavirus pandemic.

Ang pagsasaliksik ay ginawa ng data agregator iPrice Group, na naitala ang mga suweldo ng mga nasa med-level frontliners sa pitong mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (Asean) sa pamamagitan ng Economic Research Institute-powered Salary Expert.

Ang mga nars na may karanasan ay kumikita ng halos P40,381 kada buwan sa Pilipinas, 57 porsiyento mas mababa sa kanilang mga kauri sa Vietnam na halos P62,200 kada buwan ang kita.

Ang mga nars na naman sa Indonesia at Thailand ay kumikita ng halos P79,000 at P83,000 kada buwan, habang ang mga kapantay ng Malaysia ay kumikita ng halos P97,000.

Ipinakita din sa ginawang pagsasaliksik na ang mga medical technologists ay kumikita ng halos P29,444 sa Pilipinas kada buwan, mas mababa sa P57,000 sa Vietnam. Ang mga nasa Malaysia ay kumikita ng 178 porsyento na higit sa kanilang mga katapat na Pilipino sa halagang P82,000 bawat buwan. Ang mga kapantay sa Singapore ay kumikita ng P210,000 kada buwan. (Mina Aquino)

The post PH pinakabarat magpasahod sa mga nurse first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *