PH papasaklolo sa US `pag China umatake

Mapipilitang humingi ng tulong ang Pilipinas mula sa Amerika sakaling atakehin ng China ang mga naval vessel ng bansa sa South China Sea, ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr.

The post PH papasaklolo sa US `pag China umatake first appeared on Abante.

ph papasaklolo sa us pag china umatake - PH papasaklolo sa US `pag China umatake
abnate ph us - PH papasaklolo sa US `pag China umatake

Mapipilitang humingi ng tulong ang Pilipinas mula sa Amerika sakaling atakehin ng China ang mga naval vessel ng bansa sa South China Sea, ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr.

Inihayag ito ni Locsin sa panayam sa kanya ng isang morning talk show sa ABS-CBN news channel ANC na ibinalita naman ng South China Morning Post (SCMP), isang pahayagang nakabase sa Hong Kong.

Base sa ulat ng SCMP na lumabas nitong August 26, 2020, ito ang unang pagkakataon na hayagang dineklara ng administrasyong Duterte na hihingi ito ng saklolo sa Amerika sa gitna ng tensyon sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Sinabi ni Locsin sa panayam sa kanya na patuloy na magsasagawa ang Pilipinas ng air patrol sa South China Sea sa kabila ng pahayag ng Beijing na itigil ang tinawag nitong “illegal provocations” ng Pilipinas sa naturang bahagi ng karagatan.

“They can call it illegal provocations, you can’t change their minds. They already lost the arbitral award,” ayon kay Locsin.

Subalit kapag may nangyari umano ay tatawag siya sa Washington DC para humingi ng tulong.

“[But if] something happens that is beyond incursion but is in fact an attack on say a Filipino naval vessel … [that] means then I call up Washington DC,” sabi ni Locsin.

Gayunman, tumanggi si Locsin na sabihin kung anong mabigat na dahilan ang maaaring mangyari para maging rason ng kanyang pagtawag ng saklolo sa Amerika.

“I will not discuss that because the essence of deterrence theory is uncertainty,” sagot pa ni Locsin.

The post PH papasaklolo sa US `pag China umatake first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *