PH organizing committee binuo para sa Dubai expo 2020

ITINATAG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Organizing Committee para sa gagawing paglahok ng bansa sa Expo 2020 sa Dubai.

The post PH organizing committee binuo para sa Dubai expo 2020 appeared first on Abante News Online.

ph organizing committee binuo para sa dubai expo 2020 - PH organizing committee binuo para sa Dubai expo 2020
abante Dubai expo 2020 - PH organizing committee binuo para sa Dubai expo 2020

ITINATAG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Organizing Committee para sa gagawing paglahok ng bansa sa Expo 2020 sa Dubai.

Batay sa Administrative Order No.17 na pinirmahan ni Pangulong Duterte, ang POC ang babalangkas at magpapatupad ng mga plano para maipakilala ang Pilipinas sa buong mundo bilang magandang destinasyon sa kalakalan, turismo at pagnenegosyo.

Aakto rin ang POC bilang coordinating body sa pagitan ng gobyerno at pribadong sektor para matiyak na lahat ng mga programa at aktibidad ay maipapatupad sa paglahok ng Pilipinas sa Expo 2020 Dubai sa pagitan ng October 20, 2020 hanggang April 10, 2021.

Naniniwala ang gobyerno na isa itong magandang oportunidad para mai-promote ang Pilipinas lalo na sa Middle East, Africa at South Asia region.

Magiging komposisyon ng POC ang kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI) na siyang aaktong Chairperson at Commissioner-General; kalihim ng Department of Tourism (DOT) bilang Vice-Chairperson; at mga miyembro ang mga kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Budget and Management (DBM), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Science and Technology (DOST) at Department of Information and Communications Technology (DICT).(Aileen Taliping)

The post PH organizing committee binuo para sa Dubai expo 2020 appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *