PH flag nangabog sa Burj Khalifa tower

NAGING sentro ng selebrasyon ng Filipino community sa Dubai sa pagdiriwang ng ika- 121 Independence Day nitong Hunyo 12 ang pagpapailaw sa pinakamataas na skyscraper sa buong mundo ng makulay na watawat ng Pilipinas.

The post PH flag nangabog sa Burj Khalifa tower appeared first on Abante News Online.

ph flag nangabog sa burj khalifa tower - PH flag nangabog sa Burj Khalifa tower
PH 2 - PH flag nangabog sa Burj Khalifa tower

NAGING sentro ng selebrasyon ng Filipino community sa Dubai sa pagdiriwang ng ika- 121 Independence Day nitong Hunyo 12 ang pagpapailaw sa pinakamataas na skyscraper sa buong mundo ng makulay na watawat ng Pilipinas.

Napuno ng hiyawan,palakpakan at nagkanya-kanyang selfie ang mga Pinoy na sumaksi nang ilawan ang 160-storey o 829.8 metrong taas na Burj Khalifa sa Dubai na dinisenyuhan ng mga ilaw na kulay ng Philippine flag.

Makikita rin ang tatlong bituin at araw na simbolo ng pagkakaisa ng mga Pilipino.

Dakong ala-1:40 nang madaling-araw (Manila time) o alas-9:40 nang gabi(UAE time) nang umeksena ang PH flag sa Burj Khalifa.

Sinabi ni Paul Raymund Cortes, consul general ng Pilipinas na siyang nag-organisa ng event na ito ang unang pagkakataon na ang Burj Khalifa ay nagpailaw ng motif ng Philippine flag bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng bansa sa Independence Day.

Nabatid na may mga overseas Filipino worker (OFW) ang bumiyahe pa papuntang Dubai para saksihan ang pagpapailaw sa iconic tower.

Isang hiwalay na laser show ang ginawa rin sa Dubai Festival City Mall bilang pakikiisa sa Philippine Independence Day. (Juliet de Loza-Cudia)

The post PH flag nangabog sa Burj Khalifa tower appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *