PH-China joint venture sa WPS sinopla

Bagama’t tinanggal na ni Pangulong Duterte ang pag-alis ng moratorium sa oil exploration sa West Philippine Sea (WPS), hindi naman sang-ayon si Senadora Risa Hontiveros na magkaroong ng joint oil exploration ang Pilipinas sa China sa nasabing teritoryo.

The post PH-China joint venture sa WPS sinopla first appeared on Abante.

ph china joint venture sa wps sinopla - PH-China joint venture sa WPS sinopla
wps 1 - PH-China joint venture sa WPS sinopla

Bagama’t tinanggal na ni Pangulong Duterte ang pag-alis ng moratorium sa oil exploration sa West Philippine Sea (WPS), hindi naman sang-ayon si Senadora Risa Hontiveros na magkaroong ng joint oil exploration ang Pilipinas sa China sa nasabing teritoryo.

Ayon kay Hontiverso, kailangan munang kilalanin ng China ang 2016 Permanent Arbitration Court ruling kung saan ang Pilipians ang may exclusive sovereign rights sa Exclusive Economic Zone (EEZ) sa WPS bago simulan ang negosasyon para sa joint exploration.

“Hangga’t hindi kinikilala ng China ang ating tagumpay sa Hague ruling, walang negotiation on joint exploration ang magiging produktibo. Sa ngayon, dapat patuloy nating igiit na ang Pilipinas lamang ang maaring magsagawa ng exploration sa ating EEZ,” pahayag ni Hontiveros.

Nauna nang sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na ang pagtanggal ng moratorium ay ginawa ‘in good faith’ na may konsiderasyon sa negosasyon sa pagitan ng Pilipinas at China.(Dindo Matining)

The post PH-China joint venture sa WPS sinopla first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *