PH binawal biyahe galing UK

Suspendido ang pagpasok sa bansa ng lahat ng biyahe ng eroplano mula sa United Kingdom simula December 24 ng madaling araw hanggang December 31, 2020 dahil sa bagong strain ng COVID-19.

The post PH binawal biyahe galing UK first appeared on Abante.

ph binawal biyahe galing uk - PH binawal biyahe galing UK
abante flight - PH binawal biyahe galing UK

Suspendido ang pagpasok sa bansa ng lahat ng biyahe ng eroplano mula sa United Kingdom simula December 24 ng madaling araw hanggang December 31, 2020 dahil sa bagong strain ng COVID-19.

Ito ay matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) nitong Martes.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na lahat ng mga pasaherong darating sa bansa mula sa UK bago mag-12:01 ng madaling araw ng Huwebes ay hindi pipigilan subalit kinakailangang sumailalim sa mahigpit na quarantine at testing protocols.

Kabilang dito ang 14 -day quarantine period sa Athlete’s village sa New Clark City kahit pa mayroong negative RT-PCT test result.

“President Rodrigo Duterte approved on Tuesday night, December 22,2020, the temporary suspension of all flights from the United Kingdom starting December 24, 2020, 12:01 AM until December 31,2020,” ani Roque.

Ang mga paalis namang pasahero patungong UK ay kinakailangang sumailalim sa umiiral na protocols ng Piliponas at ng United Kingdom.(Aileen Taliping)

The post PH binawal biyahe galing UK first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *