Petisyon ng Ang Nars Party-list pinaboran ng SC

Pinagpasyahan na ng Korte Suprema ang petisyon ng party-list group ng mga nurse na kumukuwestiyon sa legalidad ng Executive Order 811 na inisyu ni dating Pangulong Gloria Arroyo noong 2009.

petisyon ng ang nars party list pinaboran ng sc - Petisyon ng Ang Nars Party-list pinaboran ng SC
korte suprema 2 - Petisyon ng Ang Nars Party-list pinaboran ng SC

Pinagpasyahan na ng Korte Suprema ang petisyon ng party-list group ng mga nurse na kumukuwestiyon sa legalidad ng Executive Order 811 na inisyu ni dating Pangulong Gloria Arroyo noong 2009.

Sa desisyon ng SC na pinonente ni Senior Associate Justice Antonio Carpio matapos ang kanilang en banc session nitong Martes, pinaboran nito ang petisyon ng Ang Nars Partylist.

Idineklara ng SC na valid ang Section 32 ng Philippine Nursing Act.

Gayonman, hindi pinagbigyan ng SC ang hirit ng mga petitioner na obligahin ang pamahalaan sa implimentasyon ng Section 32 ng RA 9173 dahil ayon sa SC, kailangan ng batas mula sa Kongreso para maipatupad ito na kinakailangang paglaanan ng pondo para dito.

Sa ilalim ng naturang EO, idineklara ang entry level ng mga nurse 1 mula Salary Grade 10 patungong Salary Grade 11.

Ayon sa petitioner, taliwas ito sa Section 32 ng RA 9173 o Philippine Nursing Act of 2002 na nagsasaad na ang minimum base pay ng mga nurse sa gobyerno ay hindi dapat bababa sa Salary Grade 15.

Iginiit din ng petitioner na nagpapawalang-bisa ang nasabing EO sa Section 32 ng RA 9173 na kongreso lamang ang dapat na may poder o kapangyarihan na magpawalang-isa ang isang batas. (Anne Lorraine Gamo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *