Peralta, Bernabe, Reyes pagpipilian sa CJ post

TATLO ang pagpipiliang mahistrado na posibleng pumalit sa magreretiro nang si Chief Justice Lucas Bersamin sa darating na Oktubre 18.

peralta bernabe reyes pagpipilian sa cj post - Peralta, Bernabe, Reyes pagpipilian sa CJ post
bersamin 5 - Peralta, Bernabe, Reyes pagpipilian sa CJ post

TATLO ang pagpipiliang mahistrado na posibleng pumalit sa magreretiro nang si Chief Justice Lucas Bersamin sa darating na Oktubre 18.

Umangat sa naging botohan ng Judicial and Bar Council (JBC) sina Associate Justices Diosdado Peralta at Estela Perlas Bernabe.

Sa naging deliberasyon ng En Banc, kapwa nakakuha ng pitong boto sina Peralta at Bernabe habang apat na boto naman kay Associate Justice Andres Reyes Jr.

Ang resulta ay nakapaloob na sa shortlist na isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte kalakip ang kanilang curriculum vitae.

Si Peralta ay magreretiro sa Marso 2022, si Bernabe ay sa Mayo 2022 at si Reyes ay sa Mayo 2020. (Lorraine Gamo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *