PEPMACO endo forever

Anti-endo bill tinitimbang pa ni Digong

PATULOY na nagmamatigas ang pamunuan ng Peerless Products Manufacturing Corporation (Pepmaco) sa demand ng kanilang mga manggagawa para sa kanilang regularisasyon.

pepmaco endo forever - PEPMACO endo forever
endo 2 - PEPMACO endo forever

PATULOY na nagmamatigas ang pamunuan ng Peerless Products Manufacturing Corporation (Pepmaco) sa demand ng kanilang mga manggagawa para sa kanilang regularisasyon.

“Management remains indifferent to their demands, the workers vow to resist until their workplace becomes a haven for dignified work. #BoycottPEPMACO #EndEndo,” nakasaad sa post sa tweeter ng Pepmaco workers.

Nabatid na mula noong Hunyo 24 ay nagsimula nang magsagawa ang mga manggagawa ng welga sa pabrika nito sa Calamba dahil sa hindi pagsunod ng Pepmaco sa regula­rization order ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Noong Agosto 19, ay idinisperse ng mga elemento ng Philippine National Police (PNP) ang picketline sa Pepmaco at may 20 manggagawa ang inaresto.

Nabatid sa Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan (Pamantik-KMU), puwersahang isinakay ng mga pulis sa mobile car ang mga worker at idinitine sa Calamba City Jail.

Kinondena ng mga worker at kinondena ang dispersal sa Nationa­l Conciliation and Mediation Board office sa Calamba dahil nilabag umano nito ang Labor Department Opera­tional Guidelines 40-G-03, na nagsasaad na ang pulis at militar ay dapat nakalagay 50 metro ang layo sa mga manggagawang nagpoprotesta.

Ang Pepmaco ang gumagawa ng Champion detergent bar and powder, Calla, Hanna at Systema na pag-aari ni Simeon Tiu. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *