Pemberton nag-sorry sa pamilya Laude bago lumayas

Nakaalis na sa bansa ang convicted killer ng Filipino transgender woman na si US Marine Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton lulan ng Hercules Military C-130 aircraft kahapon ng umaga.

The post Pemberton nag-sorry sa pamilya Laude bago lumayas first appeared on Abante.

pemberton nag sorry sa pamilya laude bago lumayas - Pemberton nag-sorry sa pamilya Laude bago lumayas
Pemberton 1 - Pemberton nag-sorry sa pamilya Laude bago lumayas

Nakaalis na sa bansa ang convicted killer ng Filipino transgender woman na si US Marine Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton lulan ng Hercules Military C-130 aircraft kahapon ng umaga.

Si Pemberton ay umalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 alas-9:14 ng umaga sakay ng Hercules C-130 US military aircraft patungo sa Kadena Airbase, isang United States Airforce Base sa Okinawa Perfecture, Japan bago ito lumipad sa United States via commercial flight.

Mula sa kanyang detention cell sa Camp Aguinaldo sa Quezon City, hinatid si Pemberton ng Bureau of Immigration vehicle sa NAIA. Nakitang kampante ito habang papasok ito sa military plane.

Kahapon, nilabas din ang paghingi ng tawad ni Pemberton para sa pamilya ng pinatay nitong si Jennifer Laude. Ayon dito, ipinapaabot niya ang simpatya sa kanila para sa sakit na dinulot ng naging aksyon nito. Sa mga nakalias umanong taon ng pagkakulong pinag-isipan niyang mabuti ang mga maling nagawa noong gabi noong Oktubre 11, 2014, kung kailan pinatay si Laude.

Nagpasalamat din ito kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagbibigay sa kanya ng absolute pardon.

Matatandaan nitong Setyembre 7 inanunsyo ng pangulo ang absolute pardon kay Pemberton matapos ipag-utos ni Judge Roline Ginez-Jabalde ng Olongapo City Regional Trial Court (RTC) Branch 74 ang kanyang release nitong September 1 dahil nakapagsilbi na umano ito ng kanyang maximum jail term sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance. (Otto Osorio)

The post Pemberton nag-sorry sa pamilya Laude bago lumayas first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *