Pekeng pulis nasakote ng mga tunay na parak

arrested-arestado-timbog-kulong

SA kulungan ang bagsak ng isang lalaki na umano’y nagpanggap na pulis nang mabuko siya ng mga tunay na pulis na kanyang sinita sa kanilang operasyon sa bayan ng Pateros kahapon nang madaling-araw.

pekeng pulis nasakote ng mga tunay na parak - Pekeng pulis nasakote ng mga tunay na parak
arrested arestado timbog kulong - Pekeng pulis nasakote ng mga tunay na parak

SA kulungan ang bagsak ng isang lalaki na umano’y nagpanggap na pulis nang mabuko siya ng mga tunay na pulis na kanyang sinita sa kanilang operasyon sa bayan ng Pateros kahapon nang madaling-araw.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director Police Brig. General Eliseo Cruz ang nadakip na si Benirben Barrun, alyas ‘Ben’, 38-anyos, isang maintenance conveyor at nakatira sa No. 08, LT. R.R. Cruz St., Barangay Bambang, Taguig City.

Base sa report ng Pateros Municipal Police, nagsasagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Station Operation Unit at Warrant and Subpoena Section sa may P. Herrera St., Brgy. Aguho, Pateros dakong alas-5:15 nang madaling-araw.
Matapos na may ulat na nakarating sa pulisya ukol sa naganap na pang­hoholdap sa lugar noong Hulyo 27 na kanilang iniimbestigahan, dito lumapit sa kanila ang suspek na nakasuot ng PNP Patrol shirt at PNP ball cap at nagpakilala na si PO3 Torrente.

Kinuwestiyon umano ng suspek ang mga pulis kung ano ang ginagawa sa lugar.
Nang hingan ng mga totoong pulis ang suspek ng anumang uri ng berepikasyon ay wala siyang maipakita kaya dito na siya inaresto.

Agad na dinala sa nasabing himpilan ng pulisya ang suspek na kung saan hindi na ito nakapalag.

Nakakulong ngayon sa Pateros Police Station Custodial Facility ang suspek at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Art 177 at 179 ng RPC (Usurpation of Authority and Illegal Used of Uniforms or Insignia). (Armida Rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *