Pekeng babaeng dentista dinampot sa clinic

KALABOSO ang isang pekeng dentista na babae matapos maaresto sa entrapment operation sa Caloocan City, Huwebes nang hapon.

pekeng babaeng dentista dinampot sa clinic - Pekeng babaeng dentista dinampot sa clinic
ABANTE dentista - Pekeng babaeng dentista dinampot sa clinic

KALABOSO ang isang pekeng dentista na babae matapos maaresto sa entrapment operation sa Caloocan City, Huwebes nang hapon.

Kasong malpractice ang kinakahap ng suspek na si Marilou Ilaya, 27-anyos, may asawa, ng No. 190, Calaanan St., Barangay 74 ng nasabing lungsod.

Ayon kay P/Col. Noel Flores, head ng Caloocan Police, nakatanggap sila ng reklamo na peke raw at hindi tunay na dentista ang suspek.

Nagsagawa ng entrapment operation ang Special Operation Unit ng Caloocan PNP, kasama ang kinatawan ng Phillipine Dental Association (PDA) na nagkunwaring magpapabunot ng ngipin.

Iniaabot na sa suspek ang dalawang P500 at limang P100.

Pagkabigay, hiningan ng ebidensya si Marilou kung nakarehistro ito sa PDA at hinanapan ng papeles pero wala itong naipakita kaya kaagad itong inaresto. (Orlan Linde)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *