PDIC nambukol ng ₱2B sa gobyerno – COA

NAGKULANG ng dalawang bilyong piso ang remittance ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) sa national government dahil sa maling sistema ng komputasyon ng dividends, ayon sa Commission on Audit (COA).

The post PDIC nambukol ng ₱2B sa gobyerno – COA appeared first on Abante News Online.

pdic nambukol ng e282b12b sa gobyerno coa - PDIC nambukol ng ₱2B sa gobyerno – COA
coa - PDIC nambukol ng ₱2B sa gobyerno – COA

NAGKULANG ng dalawang bilyong piso ang remittance ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) sa national government dahil sa maling sistema ng komputasyon ng dividends, ayon sa Commission on Audit (COA).

Sa 2018 annual audit report, kapos ng P2.01 bilyon ang dineklarang dividend ng PDIC dahil sa binawas nila ang interes sa inutang na pondo, iba pang business income at kita sa foreign exchange mula sa actual income base na P10.47 bilyon.

Ang ganitong komputasyon, ayon sa mga auditor, ay labag sa Section 18 ng Republic Act No. 3591 na nagsasaad na ang dividend rate ay 50 percent dapat ng kita ng ahensiya sa ibang source.

Subalit dineklara lamang ng PDIC ang halagang P6.45 bilyon na kung ibabase sa prevai­ling rate ay lumalabas na may utang lamang nila sa remittance ay P3.22 bilyon.

Nanindigan naman ang management na ang mga binawas nila sa dividend base ay naaayon sa “relevant accounting treatment or reporting standards.”

Pinaliwanag pa nila na ang interest expense ay konektado sa interest cost sa inutang na pondo na hindi sakop ng kasalukuyang computation scheme.

Dahil dito, dinala ng COA at ng Department of Finance sa Department of Justice ang usapin para maglabas ng opinyon at resolusyon hinggil sa interpretasyon nila ng Dividends Law at PDIC Charter.

The post PDIC nambukol ng ₱2B sa gobyerno – COA appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *