PDEA: 10K big time tulak nilambat sa drug war

Mahigit na sa 10,000 high-value target (HVT) ang naaresto simula nang ilunsad ng administrasyong Duterte ang giyera kontra iligal na droga sa bansa noong 2016, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kahapon.

The post PDEA: 10K big time tulak nilambat sa drug war first appeared on Abante.

pdea 10k big time tulak nilambat sa drug war - PDEA: 10K big time tulak nilambat sa drug war
drug - PDEA: 10K big time tulak nilambat sa drug war

Mahigit na sa 10,000 high-value target (HVT) ang naaresto simula nang ilunsad ng administrasyong Duterte ang giyera kontra iligal na droga sa bansa noong 2016, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kahapon.

Kabuuang 10,488 HVT na ang naaresto mula Hulyo 1, 2016 hanggang Setyembre 30, 2020.

Nasa 259,296 katao naman na sangkot sa droga ang nasakote sa nabanggit na panahon.

Hanggang Setyembre 2020 ay 5,903 drug suspect ang napatay sa isinagawang 178,616 anti-illegal drug operation.

Mula Hulyo 2016 hanggang Setyembre 2020, umabot sa 3,354 na menor de edad ang nadakip kabilang ang 1,888 na tulak; 888 na nag-iingat ng droga; 391 na drug user at 11 na empleyado ng drug den.

Mula Hulyo 2016 hanggang Setyembre 2020, 615 drug den at 17 shabu laboratory naman ang nabuwag ng mga awtoridad.

Iba’t ibang klase ng droga na umabot na sa halagang P54.02 bilyon ang nakumpiska, P44.22 bilyon doon ay shabu.

Pumalo naman sa 20,289 sa mahigit 42,000 na barangay ang nalinis na sa iligal na droga hanggang Setyembre 30. (PNA)

The post PDEA: 10K big time tulak nilambat sa drug war first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *