PCSO trial race ikakasa sa Metro Turf

BAGO ang aktuwal na takbo ay magkakaroon muna ng trial race ang ng Philippine Charity Swepstakes Office Special Maiden Race (3-Year Old Open) na matagal nang pinatutupad sa industriya ng karera ng kabayo.

The post PCSO trial race ikakasa sa Metro Turf appeared first on Abante News Online.

pcso trial race ikakasa sa metro turf - PCSO trial race ikakasa sa Metro Turf
karera 1 - PCSO trial race ikakasa sa Metro Turf

BAGO ang aktuwal na takbo ay magkakaroon muna ng trial race ang ng Philippine Charity Swepstakes Office Special Maiden Race (3-Year Old Open) na matagal nang pinatutupad sa industriya ng karera ng kabayo.

Kaya naman inaaba­ngan ito ng mga racing aficionado, sa Abril 12 pasisibatin sa Metro Manila Turf Club Inc. sa Malvar-Tanauan, Batangas.

May 10 tiga­sing kabayo ang kasali at naghahangad sa tumataginting na P800,000 na premyo para sa first place, may P250,000 para sa se­cond at P150,000 para sa third.

“Magandang laban ‘yan kasi mga future champion mga kasali dyan,” sambit kahapon ni Carlito Dela Rosa isang karerista sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Nakalaan din ang P75,000 para sa bree­der ng winning horse.

Ang mga kalahok ay sina The Believer, Senorita Mariz, Rhea’s Choice, War Comman­der, Weather lang, Ready Player, Sir Joaquin, Ava’s Tale, My Lovely Yana at Santiago’s Pride.

The post PCSO trial race ikakasa sa Metro Turf appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *