PCG report sa Recto Bank incident, ‘made in China’ — Hontiveros

Dismayado si Senador Risa Hontiveros sa Philippine Coast Guard (PSG) report kung saan sinisi pa ang mga Pilipinong mangingisda na nabangga ng Chinese vessel sa nasabing insidente sa Recto Bank.

The post PCG report sa Recto Bank incident, ‘made in China’ — Hontiveros appeared first on Abante News Online.

pcg report sa recto bank incident made in china hontiveros - PCG report sa Recto Bank incident, ‘made in China’ — Hontiveros
ABANTErisa - PCG report sa Recto Bank incident, ‘made in China’ — Hontiveros

Dismayado si Senador Risa Hontiveros sa Philippine Coast Guard (PSG) report kung saan sinisi pa ang mga Pilipinong mangingisda na nabangga ng Chinese vessel sa nasabing insidente sa Recto Bank.

“Tayo na nga ang binangga, hindi tinulu­ngan at iniwanang halos mamatay sa gitna ng dagat ng isang dayuhang sasakyan na dapat ay wala sa ating teritoryo, tapos tayo pa ang may sala?” sabi ni Hontiveros sa isang statement.

Naunang nang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na batay sa PCG report, sinasabi doon na tanging­ ang cook lang ang gising ng oras na mabangga sila ng Chinese vessel.

Wala din umanong lookout at hindi nagbigay ng signal kaya sila nabangga ng barko ng China.

“This report seems like it was ‘made in China. This is clearly a case of victim-blaming,” sabi ni Hontiveros.

“Parang may nag-hit-and-run sa nakaparada mong kotse nang madaling araw, tapos ikaw pa ang may kasalanan dahil nagpahinga ka at hindi mo binantayan ang auto mo ng 24-oras,” dagdag pa nito.

Giit pa ng senador, ang pagbangga at pag-iwan sa mga tripulante ng F/B Germ Ver-1 ng mga crew ng Chinese vessel ay malinaw na paglabag sa international­ maritime law. (Dindo Matining)

The post PCG report sa Recto Bank incident, ‘made in China’ — Hontiveros appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *