PCG officer pinaanak OFW sa NAIA

Napaanak nang wala sa oras ang overseas Filipino worker (OFW) sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 noong Miyerkoles, at tumulong sa kanya ang isang opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG).

pcg officer pinaanak ofw sa naia - PCG officer pinaanak OFW sa NAIA
anak - PCG officer pinaanak OFW sa NAIA

Napaanak nang wala sa oras ang overseas Filipino worker (OFW) sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 noong Miyerkoles, at tumulong sa kanya ang isang opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG).

Kinilala ang to the rescue na si Lieutenant Commander Ariel Sualog. Aniya, nakita niya ang babae na tila sumasakit na ang tiyan at nakaupo sa wheelchair. Sinabi umano nito na manganganak na siya kaya hindi nag-atubili si Sualog na tumulong.

Habang hinihintay ang medical team, pinahiga ni Sualog ang ginang sa isang bench para maalalayan ito sa panganganak habang hinihintay ang medical team. Nahirapan umano ang coast guard personnel dahil nauna ang paa ng sanggol imbes sa karaniwang ulo ang nauunang lumabas.

Gayunman, nakalabas naman ng maayos ang sanggol na lalaki at agad na dinala ang mag-ina sa ospital. Papangalanan umano itong Gabriel.

Sinabi ni Sualog na wala siyang karanasan sa pagpapaanak kaya nais niyang sumailalim sa training para mas maging handa sa mga ganitong sitwasyo. Dahil naman sa ginawang pagtulong ng opisyal, maraming mga netizen ang humanga at sumaludo sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *