Patayan, nakawan, rape nabawasan sa GCQ

Bumaba ng 46 porsyento ang focus crime rate ng bansa nitong buwan ng Setyembre at Oktubre kumpara sa kaparehong buwan ng nakaraang taon ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP).

The post Patayan, nakawan, rape nabawasan sa GCQ first appeared on Abante.

patayan nakawan rape nabawasan sa gcq - Patayan, nakawan, rape nabawasan sa GCQ
crime scene 2 - Patayan, nakawan, rape nabawasan sa GCQ

Bumaba ng 46 porsyento ang focus crime rate ng bansa nitong buwan ng Setyembre at Oktubre kumpara sa kaparehong buwan ng nakaraang taon ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng inilabas ng PNP, may kabuuang 6,214 focus crime ang naitala nitong nakaraang dalawang buwan, mas mababa ng 46 porsyento mula sa 11,447 insidente nakaraang taon.

Ang walong focus crime ay kinabibilangan ng homicide, physical injury, robbery, theft, vehicle theft, motorcycle theft at rape.

Ayon kay PNP chief General Camilo Cascolan, ang malaking pagbaba ng focus crime rate ay bunsod ng ginawang paghihigpit sa mga lugar mula ng isailalim ang mga ito sa general community quarantine (GCQ) and modified GCQ.(Edwin Balasa)

The post Patayan, nakawan, rape nabawasan sa GCQ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *