Patas na hustisya bilin ni CJ Bersamin

Bago tuluyang magretiro si Supreme Court (SC) Chief Justice Lucas Bersamin ay humarap ito sa mga miyembro ng media para sa isang get together event na pinamagatang “Looking Back with Chief Justice Luke, Isang Pasasalamat “at nagbalik-tanaw sa mga naging trabaho bilang punong mahistrado.

patas na hustisya bilin ni cj bersamin - Patas na hustisya bilin ni CJ Bersamin
bersamin 1 - Patas na hustisya bilin ni CJ Bersamin

Bago tuluyang magretiro si Supreme Court (SC) Chief Justice Lucas Bersamin ay humarap ito sa mga miyembro ng media para sa isang get together event na pinamagatang “Looking Back with Chief Justice Luke, Isang Pasasalamat “at nagbalik-tanaw sa mga naging trabaho bilang punong mahistrado.

Sa inilatag na State of the Judiciary ni Bersamin, ibinida nito ang kanyang mga pet project at agendas.

Kabilang dito ang revision ng rules of court, paglunsad ng video conferencing technology para sa paglilitis, pinataas na halaga para sa small claims, at revisions sa Law Student Practice Rule.

Isang nais ipagpatuloy ni Bersamin ng susunod na punong mahistrado ay ang pagpapabuti ng equal justice sa bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng access ng bawat indibidwal sa hustisya.

Layon din ni Bersamin na madisiplina ang bawat ranks ng hukom nang sa gayon ay makapaghatid ang bawat korte sa bansa ng good service and equality.

Taong 2018 nang maupo bilang punong mahistrado si Bersamin at sa susunod na buwan ay nakatakda na itong magretiro sa edad na 70-anyos.

(Lorraine Gamo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *