Pastor prinotesta ng mga Katoliko sa NY

WOODSIDE, NY — Nagrally ang ilang parishioner ng St. Sebastian Parish sa Woodside, New York dahil sa hindi pagre-report ng financial status ng simbahan apat na taon na ang nakakalipas.

The post Pastor prinotesta ng mga Katoliko sa NY appeared first on Abante News Online.

pastor prinotesta ng mga katoliko sa ny - Pastor prinotesta ng mga Katoliko sa NY
priest 1 - Pastor prinotesta ng mga Katoliko sa NY

Ni Dave ­Llavanes Jr.

WOODSIDE, NY — Nagrally ang ilang parishioner ng St. Sebastian Parish sa Woodside, New York dahil sa hindi pagre-report ng financial status ng simbahan apat na taon na ang nakakalipas.

Inireklamo ng mga parishioner ang sobrang paghingi ng pera ni Pastor Kevin Ables subalit wala naman itong ipinakikitang accounting sa mga nagbibigay ng donasyon.

Hindi rin maipaliwanag kung saan at paano ginagastos ng simbahan ang perang nalilikom sa kaliwa’t kanang fundraising ng simbahan.

Bukod sa isyu ng finances ng simbahan, isinisisi rin kay Pastor Ables ang pagkakatanggal sa nag-iisang paring Pinoy sa naturang simbahan na si Father Joey Francisco na tubong Davao.

Pinalayas si Father Francisco sa simbahan noong nakaraang linggo matapos ang mga rally laban sa pamamalakad ng naturang pastor.

Sa panayam ng Abante kay Father Francisco, sinabi nito na hindi siya sang-ayon sa kilos-protesta at ayaw na niyang magbigay ng komento kaugnay sa pagtanggal sa kanya sa simbahan.

Bukod sa isyu na ito, inireklamo rin ng isang parishioner si Ables matapos na umano’y ipahiya siya nito sa gitna ng misa noong nakaraang linggo.

Ang St. Sebastian Parish ang pinakamalaking Catholic Church sa Queens kung saan nasa 3,000 Pilipino ang nagsisimba.

The post Pastor prinotesta ng mga Katoliko sa NY appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *