‘Pastillas gang palamunin ko ng pera’

Nasa balag ng alanganin at namimiligrong palunukin ng pera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tinatayang 70 miyembro ng “Pastillas gang” na gumagawa ng katiwalian sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

The post ‘Pastillas gang palamunin ko ng pera’ first appeared on Abante.

pastillas gang palamunin ko ng pera - ‘Pastillas gang palamunin ko ng pera’
abante duterte 18 - ‘Pastillas gang palamunin ko ng pera’

Nasa balag ng alanganin at namimiligrong palunukin ng pera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tinatayang 70 miyembro ng “Pastillas gang” na gumagawa ng katiwalian sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ng Pangulo na mayroon na siyang listahan ng mga sangkot sa pastillas scheme at hindi aniya nito palalagpasin ang ginagawang kalokohan ng mga ito.

Dahil mahilig rin lang aniya ang sindikato sa pera, ipapakain niya sa mga ito ang perang kinulimbat sa kanilang kalokohan.

“Kung mahilig ka sa pera, papakain ko sa yo, ipapakain ko talaga sa iyo. Iyan ako. You will eat money infront of me. Yan ang style ko,” anang Pangulo.

Batid ng Presidente na hindi maganda ang magpakain ng pera at maaaring ituring na criminal act, subalit gagawin pa rin niya ito sa mga tiwali at ganid sa pera.

“It is not nice, it is wrong. It could even be a crminal act but just the same I’ll do it. Itong pastillas marami ito, aabot ito ng mga 70,” dagdag ng Pangulo..

Ang Pastillas scam ay ang pagpapalusot ng mga tiwaling opisyal at kawani ng Bureau of Immigration sa mga dayuhang illegal na papasok sa bansa kapalit ang malaking halaga ng pera.(Aileen Taliping)

The post ‘Pastillas gang palamunin ko ng pera’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *