‘Pastillas’ gang bibitbitin sa Malakanyang

Nakatakdang humarap kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, November 9 ang lahat ng nasuspindeng opisyal ng Bureau of Immigration (BI).

The post ‘Pastillas’ gang bibitbitin sa Malakanyang first appeared on Abante.

pastillas gang bibitbitin sa malakanyang - ‘Pastillas’ gang bibitbitin sa Malakanyang
Bureau of Immigration 1 - ‘Pastillas’ gang bibitbitin sa Malakanyang

Ito ang inihayag ni Senador Bong Go sa isang panayam kaugnay sa ginagawang patuloy na paglilinis ng Pangulo sa problema ng katiwalian sa bansa.

Ang mga suspendidong opisyal ng BI ay sangkot umano sa “systemic corruption” sa ahensiya.

” Yung mga nasuspindeng taga-Bureau of Immigration ay kanyang haharapin sa darating na Lunes at kanyang kakausapin,” ani Go.

Matatandaang pinakahuling nabunyag na katiwalian sa ahensiya ay ang “Pastillas” scheme kung saan pinapapasok sa bansa ang mga dayuhang Chinese ng walang kahirap-hirap kapalit ang malaking halaga.

Sinabi ni Go na magiging regular na ang gagawing pag-aanunsiyo ni Pangulong Duterte sa publiko ng mga pangalan ng mga corrupt government officials para huwag pamarisan ng ibang nagtatrabaho sa gobyerno.

Samantala, inirekomenda ng National Bureau of Investigation-Special Action Unit (NBI – SAU) sa Ombudsman ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa 86 personnel ng BI na sangkot sa ‘Pastillas’ scheme.

Sa 27- pahinang reklamo ng NBI-SAU page complaint, 8 matataas na opisyal ng BI ang bahagi ang pastillas group kung saan si dating Division Chief of Port Operations Division Marc Red Mariñas, Immigration Officer 2, ang tinukoy na mastermind.

Isinangkot rin sa reklamo ng NBI ang lahat ng terminal heads ng Terminal Control and Enforcement Unit sa NAIA 1, 2 at 3 at ang over-all head ng BI Border Control and Intelligence Unit na bahagi rin ng sindikato.(Aileen Taliping/Dindo Matining/Juliet de Loza-Cudia)

The post ‘Pastillas’ gang bibitbitin sa Malakanyang first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *