Paslit nag-online class sa bangketa

Hindi hadlang sa magkapatid na sina Kyle at Kris Anne Cervantes ang kanilang kahirapan para maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kabila ng COVID-19 pandemic.

The post Paslit nag-online class sa bangketa first appeared on Abante.

paslit nag online class sa bangketa - Paslit nag-online class sa bangketa
abante abante mop - Paslit nag-online class sa bangketa

Hindi hadlang sa magkapatid na sina Kyle at Kris Anne Cervantes ang kanilang kahirapan para maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Sa kuhang video ni Abante photographer Jonas Sulit, makikita ang pagpupursige ng dalawa sa kanilang online class habang katabi ng kanilang pansamantalang tinutulugan sa bangketa.

Ang dalawa ay nakuhanan sa kahabaan ng Gen. Luna St. sa Maynila, at naka-enroll sa Justo Lukban Elementary School.

Gamit ng magkapatid ang pinamahaging tablet ng lokal na pamahalaan ng Maynila para sa kanilang online class.

Ngayong linggo nagsimula ang pagbabalik-klase ng abot sa 20 milyong mag-aaral sa mga pampublikong paaralan.

The post Paslit nag-online class sa bangketa first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *