Paslit hinigop ng ilog

NASAWI ang isang anim na taong gulang na batang lalaki nang ito ay mahulog mula sa tulay na pinag­lalaruan at malunod sa ilog sa Guinayangan, Quezon Huwebes nang hapon.

paslit hinigop ng ilog - Paslit hinigop ng ilog
abante ilog - Paslit hinigop ng ilog

NASAWI ang isang anim na taong gulang na batang lalaki nang ito ay mahulog mula sa tulay na pinag­lalaruan at malunod sa ilog sa Guinayangan, Quezon Huwebes nang hapon.

Kinilala ng Guinayangan Police ang biktima na si John Edrei Arroyo.

Batay sa report ng pulisya, kasama ng bata ang kanyang tatlong kaklase na habang papauwi ay naglaro ang mga ito sa ibabaw ng pansamantalang tulay na nasa pagitan ng Barangay Milagrosa sa bayan ng Calauag at Brgy. Danlagan Reserva ng Guinayangan.

Naghagis umano ng maliit na bato sa ilog ang biktima subalit nawalan ito ng panimbang at nahulog mula sa tulay.

Tuluyang lumubog sa tubig ang biktima at uma­bot din ng ilang minuto bago ito nasagip ng mga sumaklolong residente na nakatira malapit sa lugar.

Isinugod pa sa ospital ang bata subalit idineklara na itong patay ng doktor.

Sinisisi naman ng mga kaanak ng bata ang insidente sa kawalan ng mga barandilya ng tulay na palagiang daanan din ng mga estudyante. (Ronilo Dagos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *