Pasko wish ni Digong: Buhay, malusog ang mga Pinoy

Higit sa ano pa mang materyal na bagay, ang pagiging malusog at ligtas na buhay ng mga Pilipino ang tanging hangad ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Kapaskuhan.

The post Pasko wish ni Digong: Buhay, malusog ang mga Pinoy first appeared on Abante.

pasko wish ni digong buhay malusog ang mga pinoy - Pasko wish ni Digong: Buhay, malusog ang mga Pinoy
abante duterte 36 - Pasko wish ni Digong: Buhay, malusog ang mga Pinoy

Higit sa ano pa mang materyal na bagay, ang pagiging malusog at ligtas na buhay ng mga Pilipino ang tanging hangad ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Kapaskuhan.

Sa harap ito ng pagsubok na patuloy na hinaharap ng sambayanan dahil sa COVID pandemic.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na napakarami na ang namatay at sinunog dahil sa COVID-19 kaya mahalagang pairalin ang ibayong pag-iingat sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

“Ngayong panahon ng pagdiriwang, ang nais po ng Presidente eh lahat tayo ay buhay at malusog matapos ang ating pagdiriwang,” ani Roque.

Bagamat marami ang asymptomatic sa mga Pilipino, hindi aniya ito katiyakan na maliligtas sa bagsik ng COVID-19 dahil maaari pa ring mamatay kahit mild COVID lamang.

Umaasa ang Malacañang na sana ay hindi na madagdagan ang bilang ng mga naki-cremate lalo na ngayong holiday season kung saan maraming tao ang lumalabas para mamili ng kanilang pamasko at pang-bagong taon.

“Sana po huwag kayong sumapi diyan sa napakaraming numero na iyan dahil ang nais ng Presidente —Mask, Hugas, Iwas. Kinakailangan lahat tayo ay buhay,” dagdag ni Roque.

Sinabi ng kalihim na dagdagan pa ang pagtitiis at pag-iingat para maabutan ang pagdating ng bakuna sa bansa.(Aileen Taliping)

The post Pasko wish ni Digong: Buhay, malusog ang mga Pinoy first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *