Pasimuno ng fake news sa HK online probe panagutin

NANAWAGAN kahapon ang Lilac Center for Public­ Interest, Inc., kay Labor Secretary Silvestre Bello lll na kastiguhin ang isang Hongkong service provider na nagpapakalat umano ng fake news para maniobrahin ang imbestigasyon sa bagong online system sa labor office sa nasabing bansa.

pasimuno ng fake news sa hk online probe panagutin - Pasimuno ng fake news sa HK online probe panagutin
Abante fake news - Pasimuno ng fake news sa HK online probe panagutin

NANAWAGAN kahapon ang Lilac Center for Public­ Interest, Inc., kay Labor Secretary Silvestre Bello lll na kastiguhin ang isang Hongkong service provider na nagpapakalat umano ng fake news para maniobrahin ang imbestigasyon sa bagong online system sa labor office sa nasabing bansa.

Tinukoy ni Lilac Center president Nicon F. Fame­ronag ang mga kasinu­ngalingan at pagkuwestiyon umano ni Jaime Deverall, presidente ng Hong Kong service provider na Polaris Tools sa legalidad ng imbestigasyon ng DOLE sa bagong online system ng Philippine Overseas Labor Office (POLO).

Ayon kay Fameronag, sinungaling si Polaris Tools corporate secretary David Bishop nang sabihin nitong nagkasundo na sina Deverall at Labor Undersecretary Claro Arellano, pinuno ng DOLE investigating team na magiging pabor sa Polaris ang ilalabas na resulta sa imbestigasyon.

Pinabulaanan aniya ni Arellano na nakipag-usap at nangako siya kay Deve­rall para maging positibo sa kanila ang imbestigasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *