Pasig River, mga estero lilinisin ni Cimatu

Pasig River, mga estero lilinisin ni Cimatu

Bubuwagin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) lahat ng iligal na istraktura sa kahabaan ng Pasig Ri­ver, kabilang na ang mga estero at iba pang daluyan ng tubig sa Metro Manila.

pasig river mga estero lilinisin ni cimatu - Pasig River, mga estero lilinisin ni Cimatu
pasig river 1 - Pasig River, mga estero lilinisin ni Cimatu

Bubuwagin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) lahat ng iligal na istraktura sa kahabaan ng Pasig Ri­ver, kabilang na ang mga estero at iba pang daluyan ng tubig sa Metro Manila.

Inihayag ito ni DENR Secretary Roy Cimatu na siyang namumuno nga­yon sa Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 90 na naglilipat sa pamunuan ng PRRC sa DENR.

“Ayusin natin ang easements. Linisin natin. Maintain the 3-meter easements. ‘Yan ang ating gagawin sa lahat ng estero sa Metro Manila,” ani Cimatu.

Dagdag pa ni Cimatu: “May ibang establishments nandiyan. Aalisin natin ‘yan. We will enforce and implement the easement law.”

Layunin nito na paigtingin pa ang isinasagawang rehabilitasyon ng pamahalaan sa Pasig River at Manila Bay.

Napag-alaman na ang PRRC ay nakapagpaalis at nailipat na ang mahigit sa 20,000 pamilya ng mga informal settler sa isang mas disenteng pabahay.
(Riz Dominguez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *