Pasaway na mga pulis lumobo — PNP

TUMAAS ng 36 hanggang 38 na porsiyento ang bilang ng mga kaso na natanggap ng Internal Affairs Service ng Philippine National Police (IAS-PNP) ngayong taon laban sa mga pasaway na pulis.

The post Pasaway na mga pulis lumobo — PNP appeared first on Abante News Online.

pasaway na mga pulis lumobo pnp - Pasaway na mga pulis lumobo — PNP
pnp 12 - Pasaway na mga pulis lumobo — PNP

TUMAAS ng 36 hanggang 38 na porsiyento ang bilang ng mga kaso na natanggap ng Internal Affairs Service ng Philippine National Police (IAS-PNP) ngayong taon laban sa mga pasaway na pulis.

Sa panayam kay Atty. Alfegar Triambulo, Ins­pector General ng IAS sa kakatapos na integrity fun run ng IAS kahapon, mula Enero hanggang Mayo ng taon ay umabot na sa 2,291 mga reklamo ang kanilang natanggap.

Mas mataas ito kumpara sa datos noong nakaraang taon sa kaparehong buwan, na 1,683 lang ang mga naitalang reklamo.

Paliwanag ni Triambulo, kasama sa mga kaso na iniimbestigahan nila ang mga pulis na nagpaputok ng baril, nasangkot sa iligal na droga, lumabag sa karapatang pantao sa gitna ng police operation at sabit sa vote buying nitong nakalipas na eleksyon.

Gayunman, sinabi ni Triambulo na kahit na tumaas ang bilang ng mga hinahawakan nilang kaso ay nanatili namang mataas ang ‘efficiency rate’ ng IAS.

Umabot kasi sa 1,454 ang bilang ng mga kasong kanilang naresolba ngayong taon kumpara sa 1,136 noong nakaraang taon.

Karamihan naman sa mga pulis na may kaso ay mga may ranggong patrolman o PO1. (Edwin Balasa)

The post Pasaway na mga pulis lumobo — PNP appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *