Pasahero natagpuang patay sa NAIA Terminal 3

PATAY nang matagpuan ang isang paalis na 58-taong gulang na pasahero sa loob ng isang comfort room ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ng mga nagrespondeng medical team kahapon ng umaga.

The post Pasahero natagpuang patay sa NAIA Terminal 3 appeared first on Abante News Online.

pasahero natagpuang patay sa naia terminal 3 - Pasahero natagpuang patay sa NAIA Terminal 3
Naia - Pasahero natagpuang patay sa NAIA Terminal 3

PATAY nang matagpuan ang isang paalis na 58-taong gulang na pasahero sa loob ng isang comfort room ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ng mga nagrespondeng medical team kahapon ng umaga.

Nakilala ang paalis na pasahero na si Richard Alexander Parena, pasahero ng Cebu Pacific flight 5J875 na patungong Davao.

Ayon sa ulat nakatanggap ng emergency call ang MIAA medical team, dakong alas- 8:19 nang umaga nanang ireport na may “may taong nakita sa loob ng CR na walang malay at hindi na humihinga”.

Si Parenas ay natagpuan na nakaupo pa sa toilet bowl g CR No. 302 domestic wing pre-departure area ng NAIA Terminal 3 ng mga nagrespon-ding medical team na walang malay, pulso at hindi na humihinga.

Idineklarang dead on the scene ng mga doctor ang biktima at ito ipi-naalam sa MIAA Intelligence and Investigation ng Airport Police Department (APD) Philippine National Police ( PNP) at Scene of the Crime Operatives (SOCO) personnel.

Nabatid mula sa airline, si Parenas ay nag-check in sa Cebu Pacific counter bandang alas 5:26 ng umaga at ayon sa saksi na si Joal Paul Mortel, janitor ng Field Men janitorial agency, nakita ito na pumasok sa comfort room ng alas- 6:15 nang umaga at hindi niya itong lumabas ng cubicle.

Ayon sa MIAA medical team ang biktima ay nagkaroon ng cardio-respiratory arrest. (Otto Osorio)

The post Pasahero natagpuang patay sa NAIA Terminal 3 appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *