‘Pasa-load’ scheme sa budget binuking ni Recto

‘Pasa-load’ scheme sa budget binuking ni Recto

IBINUNYAG kahapon ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang tinawatawag na ‘pasa-load’ scheme ng ilang ahensiya ng gobyerno para pagtakpan ang hindi nagagastang pondo.

pasa load scheme sa budget binuking ni recto - ‘Pasa-load’ scheme sa budget binuking ni Recto
pasa load - ‘Pasa-load’ scheme sa budget binuking ni Recto

IBINUNYAG kahapon ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang tinawatawag na ‘pasa-load’ scheme ng ilang ahensiya ng gobyerno para pagtakpan ang hindi nagagastang pondo.

Ayon kay Recto, ang scheme, ay ang paggarahe ng pondo sa ilang ahensiya patungo sa ibang tanggapan para palabasin na nagkaroon ng artipisyal na paggastos.

“Ang nangyayari kasi ngayon, para lang masabi na obligated na ang allotment ay pinapasa ito sa ibang ahensya,” pahayag ni Recto sa isang statement.
Dahil ‘obligated’ umano ang pondo, puwede itong ibalik sa National Treasury.

“But the result is that funds are not spent, but are merely parked in another agency,” sabi ni Recto.

“This subverts the very essence of cash budge­ting, which seeks to accelerate disbursement. This creates the illusion of money spent when what happened was the budgetary equivalent of passing the buck,” sambit pa nito.
Sa halip na magsagawa ng bidding, halimbawa, ang Armed Forces of the Philippines (AFP) o Phi­lippine National Police (PNP), iiwan lang nito ang procurement responsibility sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (DBM).

Subalit sa ‘book’ ng AFP o PNP, lalabas doon na ang pondo ay obligated subalit ang totoo’y hindi naman.

“Ganoon din ang mga pondong inilaan sa Department of Transportation. Ipapa-subcontract ang procurement. And in the report card, that money has been marked as obligated,” ani ni Recto. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *