Parusa vs Ang Probinsyano Cong palabas lang

MUKHANG palabas ang pahayag ng liderato ng Ang Probinsyano Party-list na parurusahan nila ang first nominee na si Rep. Alfred Delos Santos.

parusa vs ang probinsyano cong palabas lang - Parusa vs Ang Probinsyano Cong palabas lang
cong - Parusa vs Ang Probinsyano Cong palabas lang

MUKHANG palabas ang pahayag ng liderato ng Ang Probinsyano Party-list na parurusahan nila ang first nominee na si Rep. Alfred Delos Santos.

Ito’y dahil sa wala pang nilalabas na resulta ng internal investigation sa insidente noong Hulyo 7 nang sapakin ni Delos Santos ang waiter ng Biggs Diner sa Legazpi City.

Naunang sinabi ng spokesperson ng party-list na si Atty. Joco Sabio na hindi sila magdadalawang-­isip na suspindihin o tanggalin si Delos Santos dahil sa hindi nila kinukunsinte ang pang-aabuso.

Matatandaang kinuyog si Delos Santos matapos kumalat sa social media ang CCTV footage ng pananapak nito sa 20-anyos na waiter na si Christian Kent Alejo.

Inaayos lamang ni Alejo ang placemat sa harapan ni Delos Santos nang magreklamo ang mamba­batas na hindi niya gusto ang ginagawang pag-aayos ng waiter.
Dahil sa pagbulong umano ng waiter, tumayo si Delos Santos at sinapak ang waiter na bahagyang nakailag.

Makalipas ang apat na araw simula nang maging viral sa social media ang pananapak nito sa waiter, nagbigay ng public apology ang kongresista sa radio interview at nagsabing handa siyang tanggapin ang anumang parusang ipapataw sa kanya.

Subalit hanggang ngayon ay wala pang nilalabas na resulta ng isinagawang imbestigasyon laban kay Delos Santos.

Ang nasabing party-list group ay inendorso pa ni Kapamilya actor Coco Martin noong May 13 elections. Bumoto din si Delos Santos kay Taguig­ Rep. Alan Peter Cayetano para maging House Speaker noong Hulyo 22. (JC Cahinhinan)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *