Parusa sa ‘di pagbabayad ng kontribusyon binaba ng ECC

Labor Secretary Silvestre Bello III

INIHAYAG ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ibinaba ang ipinapataw na parusa sa mga employer ng Emplo­yees’ Compensation Commission (ECC) na bigong makapagbigay ng kontribusyon sa Social Security System (SSS) at Go­vernment Service Insu­rance System (GSIS) sa kanilang mga empleyado.

parusa sa di pagbabayad ng kontribusyon binaba ng ecc - Parusa sa ‘di pagbabayad ng kontribusyon binaba ng ECC
Secretary Silvestre Bello III - Parusa sa ‘di pagbabayad ng kontribusyon binaba ng ECC

INIHAYAG ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ibinaba ang ipinapataw na parusa sa mga employer ng Emplo­yees’ Compensation Commission (ECC) na bigong makapagbigay ng kontribusyon sa Social Security System (SSS) at Go­vernment Service Insu­rance System (GSIS) sa kanilang mga empleyado.

Mula sa 3 porsiyento, ang parusa ay ibi­naba sa dalawang porsiyento.

Sa isang board reso­lution, binago ng ECC ang ipinapataw na parusa sa mga employer na mabibigong makapag-remit ng EC contribution sa SSS at GSIS alinsunod sa Republic Act (RA) No. 11199, na mas kilala bilang Social Security Act of 2018, at Republic Act No. 8291 o kilala rin bilang Government Service Insurance System Act of 1997, at sa gayon susugan ang Rule V, Sec. 3 (4) ng mga inamyendahang batas sa emplo­yees’ compensation.

Kapag nabigong magbayad ng kontribusyon ang mga employer sa premium ng kanilang mga empleyado sa SSS o sa GSIS ay mapapatawan ang mga ito ng dalawang porsi­yento kada buwan mula sa petsa kung kailan tumapat ang hindi nila nababayarang kontribusyon hanggang sa makabayad ang mga ito.

“ECC amended its rules on employees’ compensation in res­ponse to the penal provisions on the collection of contributions of SSS and GSIS,” wika ni Bello na siyang chairman ng ECC board. (Mina Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *