Party-list cong pustiso ang agimat!

Ngayong pandemya, hindi uso baon sa eskwela lalo pat online class ang lahat na kabaliktaran sa nakaugalian nang isang maangas na kinatawan ng partylist group sa Kamara dahil kakaiba ang kanyang dala.

The post Party-list cong pustiso ang agimat! first appeared on Abante.

party list cong pustiso ang agimat - Party-list cong pustiso ang agimat!
Abante Kartada 8 - Party-list cong pustiso ang agimat!

Ngayong pandemya, hindi uso baon sa eskwela lalo pat online class ang lahat na kabaliktaran sa nakaugalian nang isang maangas na kinatawan ng partylist group sa Kamara dahil kakaiba ang kanyang dala.

Hindi sandwich o kaya’y tinapang isda na isiniksik sa isang bandehadong kanin kundi pustiso ang kanyang baon tuwing papasok ng session at lalabas ng bahay.

Sa isang press conference, muntikang nabugahan ng tubig ni Mang Teban ang katabing reporter matapos maispatan nitong meron palang back up na pustiso si Party-list Congressman.

Bago magsimula ang presscon sa Batasan, pasimpleng yumuko si Party-list Congressman, sabay tanggal ng pustiso na nakakabit sa kanyang bunganga.

Sa malamang, idolo ni Party-list Congressman si Sheryll Cruz na bida ng pelikulang Pardina kung saan may sariling buhay at nagsasalita ang kaibigang pustiso nito.

Una pang inakala ng katabing reporter na kendi o kaya’y bubble gum ang iniluwa ni Party-list Congressman subalit laking gulat nang makitang pustiso pala.

Meron pang nag-akalang may itinatagong kapangyarihan o anting-anting si Party-list Congressman dahil daig pa si Darna nang iluwa ang pustiso, animo’y bato o agimat ang ipinasok sa kanyang bunganga.

Ang malupit sa lahat, hindi sa kanyang bag nakatago ang baong pustiso ni Party-list Congressman kundi sa kanyang bulsa.

Pagkatapos pasimpleng tanggalin ang pustiso sa bunganga ay dinukot ni Party-list Congressman ang back up sa kanyang bulsa, sabay salpak at hindi rin nagawa pang ibalot sa tissue paper ang unang ginamit.

Pintahan nyo na: Bagyo ang arrive ni Party-list Congressman sa Kamara dahil sobrang malapit sa kusina at magaling sa partehan, mapa-pera o committee chairmanship ang usapan. Meron letrang P sa apelyido, as in Pustiso ang anting-anting.

The post Party-list cong pustiso ang agimat! first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *