Parlade ‘ibabaon’ utol ni Angel

Inamin ni Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade na may matibay na ebidensiya silang hawak laban sa kapatid ng aktres na si Angel Locsin na nag-uugnay dito sa makakaliwang grupo.

The post Parlade ‘ibabaon’ utol ni Angel first appeared on Abante.

parlade ibabaon utol ni angel - Parlade ‘ibabaon’ utol ni Angel
Angel Locsin 8 - Parlade ‘ibabaon’ utol ni Angel

Inamin ni Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade na may matibay na ebidensiya silang hawak laban sa kapatid ng aktres na si Angel Locsin na nag-uugnay dito sa makakaliwang grupo.

Sa panayam nitong Sabado sa Abante Radyo Tabloidista sa programang ‘Diskusyon’ ni Aileen Taliping ay inilabas ni Parlade ang isang tao na nakakaalam diumano sa naging partisipasyon ng kapatid ni Locsin na si Ella Colmenares sa NPA sa Polillo noong 1999 hanggang 2002.

Sabi ng nagpakilalang ‘Ka Leni,’ personal niyang nakita si Ella sa kanilang lugar.

Nakasama rin daw si Ella ng ama niya sa kilusan.

Ayon naman kay Parlade, unti-unti nang nahuhubaran ang mga grupong nagpapanggap na mga aktibista kunyari pero ang totoo ay involved sila at sumasama sila sa armadong pakikibaka.

“Ilalabas natin. Kahit isang taon tayo, isang araw, isang witness tayo,” pahayag ni Parlade sa mga hawak na testigo na magtuturo sa pagkakakilanlan ng mga komunistang grupo.

Nanindigan rin si Parlade na maraming nakakakilala sa kapatid ni Angel na bahagi ito ng komunistang grupo.

“Incidentally ang mga kasama ni Ella ay napatay na sa ambus, pero andami pa nakakakilalala kay Ella (Colmenares) at sa participation nya doon sa hukbo,” pahayag pa ni Parlade.

Nilinaw din niyang wala silang away ni Angel dahil nilalaro at pinapaikot lang daw ang aktres ng mga taong nakapaligid sa kanya partikular aniya ang Bayan Muna at Gabriela.

Iginiit din ni Parlade na hindi labanan ng ganda ang isyu.

“Hindi ito battle of the beauties, hindi ito pagandahan ng lalaki, katotohanan ang pinaglalaban natin dito,” sabi pa ng heneral.

The post Parlade ‘ibabaon’ utol ni Angel first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *