Parking space sa kalye, sidewalk ipagbawal

parking

Nanawagan ang commuter at transport group sa gobyerno na ipagbawal na gawing parking space ang mga lansangan. Ayon kay Atty. Ariel Inton jr., founder ng Lawyers for Commu­ters Safety and Protection (LCSP), dapat ding bigyang pansin ng Kongreso na madaliin ang pagpapatibay sa panukalang “no garage policy”. Dinagdag pa ni Inton na hindi rin dapat gawing […]

The post Parking space sa kalye, sidewalk ipagbawal appeared first on Abante News Online.

parking space sa kalye sidewalk ipagbawal - Parking space sa kalye, sidewalk ipagbawal
parking - Parking space sa kalye, sidewalk ipagbawal

Nanawagan ang commuter at transport group sa gobyerno na ipagbawal na gawing parking space ang mga lansangan.

Ayon kay Atty. Ariel Inton jr., founder ng Lawyers for Commu­ters Safety and Protection (LCSP), dapat ding bigyang pansin ng Kongreso na madaliin ang pagpapatibay sa panukalang “no garage policy”.

Dinagdag pa ni Inton na hindi rin dapat gawing exclusive parking space ang mga sidewalk.

Base na rin ito sa obserbasyon na duma­dami ang mga sasak­yan na naka-park sa kalsada.

Ayon kay Inton, batay sa kanilang monitoring ay mara­ming mga business establishment na ginagawa nang exclusive ­parking space ng mga kustomer ang sidewalk sa harapan nila.

Naglalagay pa ng mga sign ng ‘No Parking Exclusive for Customers Only’ ang mga naturang establisimyento.

Aniya, lumalabas na inaangkin na ng mga nasabing establisimyento ang mga sidewalk at kapag nag-park ka ay itataboy ng mga security personnel.
Paliwanag pa ni Inton na hindi dapat pinaparadahan ng mga sasakyan ang sidewalk dahil para sa pedestrian ito.

Katwiran umano ng mga nasabing establisimyento na nasa harapan ng kanilang negosyo iyon kaya may karapatan silang gamitin para sa parking.

Tinukoy ni Inton ang East Avenue­ sa Quezon City na kahit may mga naka-post na “No Parking­ Zone” ay hindi ito alinta­na ng mga may-ari ng sasakyan at ang masakit maging ang harapan ng mga ahensiya ng gobyerno ay ginagawang parking­ zone. (Riz Dominguez)

The post Parking space sa kalye, sidewalk ipagbawal appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *