Paring Pinoy na-promote sa Rome

Nahirang ang isang paring Pilipino bilang bagong vice director ng Justice, Peace, and Integrity of Creation (JPIC) Office sa Rome ng Order of Friars Minor o mas kilalang Franciscans.

The post Paring Pinoy na-promote sa Rome first appeared on Abante.

paring pinoy na promote sa rome - Paring Pinoy na-promote sa Rome
Father Angelito Cortez - Paring Pinoy na-promote sa Rome

Nahirang ang isang paring Pilipino bilang bagong vice director ng Justice, Peace, and Integrity of Creation (JPIC) Office sa Rome ng Order of Friars Minor o mas kilalang Franciscans.

Sa isang panayam sa church-run Radio Veritas, sinabi ni Father Angelito Cortez na pakiramdam niya ay biniyayaan siya sa kanyang bagong appointment.

“My heart overflows with gratitude to God for all the blessings I have received throughout the year 2020 despite the trials and tribulations, I do not think it will end in a new way of serving,” aniya.

Sinabi ni Cortez na pansamantalang gagampanan niya ang kanyang bagong tungkulin sa Rome sa pamamagitan ng “work from the country” dahil sa COVID-19 pandemic.

Si Father Cortez ang kasalukuyang executive secretary at national coordinator ng JPIC ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines.

Naordenahan siya bilang pari noong Agosto 19, 2017, 14 taon pagkatapos niyang pumasok sa Our Lady of the Angels Franciscan Seminary. (Issa Santiago)

The post Paring Pinoy na-promote sa Rome first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *