Pari pinaslang ng tinulungang palaboy

Pinagdasal ni Pope Francis ang isang pari na pinatay ng mismong tinutulungan nito na palaboy.

The post Pari pinaslang ng tinulungang palaboy first appeared on Abante.

pari pinaslang ng tinulungang palaboy - Pari pinaslang ng tinulungang palaboy
Fr. Roberto Malgesini - Pari pinaslang ng tinulungang palaboy

Pinagdasal ni Pope Francis ang isang pari na pinatay ng mismong tinutulungan nito na palaboy.

Nitong Miyerkoles ay nanguna ang Santo Papa para ipanalangin si Fr. Roberto Malgesini, 51, na nasawi sa Como, Italy noong Martes.

Ayon kay Pope Francis, posibleng may mental illness ang naturang pulubi na pumatay sa pari.

“I join in the pain and prayers of his family members and the Como community and, as his bishop said, I praise God for the witness, that is, for the martyrdom, of this witness of charity towards the poorest,” lahad ng Santo Papa.

Ang katawan ni Fr. Malgesini ay nakita malapit sa St. Rocco’s Church kung saan nakatira ang pari, puno ng saksak ang labi nito at mayroon pa sa leeg na tinuturong dahilan ng pagkamatay nito.

Ayon sa Vatican News, ang naturang palaboy ay kilala mismo ng pari at tinutulungan pa ito sa kanyang mga pangangailangan. (Ray Mark Patriarca)

The post Pari pinaslang ng tinulungang palaboy first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *